Tuesday, October 23, 2012

Officially Disclosed!

Pagkalibing ng lola ko umalis ako ng bahay to go to mall.. Mag aliw aliw..
Nagkita kita kami ng mga POZ FRIENDS ko sa Greenbelt 3..
Enjoy yes medyo nakalimutan ko mga pangyayari at medyo sumaya ako..


When I came home kala ko okay na lahat..

Nagulat ako when I saw my mom waiting for me and hawak nya yung brown envelope na medyo familliar sakin (Doon nakalagay yung mga documents na HIV POSITIVE AKO)


sabi nya "Nak may gusto ka bang sabihin sakin?"

sagot ko "About san ma?"

inilabas nya yung laman nung envelope... "Ano to nak? bakit di ka nagsasabi sakin?"

sagot ko "Ma sorry! Sorry kung inilihim ko sa inyo lahat yan.. Ma di ko naman balak itago to habang buhay eh! naghahanap lang ako ng tyempo.. namatay si papa nung May 3, naospital si ate sa panganganak anlaki ng gastusin, namatay si lola August 31 tapos magsasabi ako sayo ng ganyan? Ma, alam kong patung-patong problema mo ayoko nang dagdagan.. ayoko maging pabigat sayo.."

sagot nya, "Pero bakit ganun nak? hindi biro ang lagay mo ngayon.. Ano bang kasalanan ko sa Diyos at pinaparusahan nya ko ng ganito.. Nawala na tatay mo nawala pa si Nanay isusunod ka pa? hindi ko kakayanin kapag pati ikaw nawala pa"

"Ma yun na nga eh kaya ayokong sabihin! kasi baka sabihin mo pinaparusahan ka ng Diyos, Ma hindi ko naman ginustong magkaron ako nito eh.. Hindi ko masabi sainyo kasi nahihiya ako at natatakot na wala akong naitulong sa Family natin naging ganito pa ko.. Natatakot akong mawala ako na walang nai-contribute man lang sa family natin... pero Ma! sinu ba nagsabi sayong mawawala ako? Kaya nga lumalaban ako diba? Lumalaban ako kahit nahihirapan ako sa sitwasyon kong itinatago ko to sa inyo"

sagot ni mama, "Lika nga dito nak, payakap nga.... LALABAN TAYO HA? SAMA SAMA TAYONG LALABAN... WAG KANG SUSUKO NAK AH? KASI AKO DI DIN AKO SUSUKO.. KASAMA MO KONG LALABAN.. LALABAN TAYO BASTA KUMAPIT KA LANG.. BASTA KAHIT ANUNG NARARAMDAMAN MO AT KAILANGAN MO SABIHIN MO LANG SAKIN GAGAWAAN NATIN NG PARAAN..

Umiyak ako YET sobrang natuwa kasi pinalakas nya ang loob ko sobra.. iba ang pakiramdam pag natanggap ka na sa pamilya nyo kung ano ang sitwasyon mo..

makes me down!

I'm so sorry to all of those readers who have passed my blogs.. I have retrieved my blog password already just NOW! I forgot my password dahil na din siguro sa sunod sunod na problems na dumating


I just wanna share this to all of you..

Last month, September 13, 2012, Nilibing Grandmother ko.. She died last Aug.31 and nagpaalam pa sya sakin nun..

Naalala ko I went to their house to configure a Wi-Fi kabitan sila ng internet and telephone line.. While I was fixing the wires, my Grandmother said,

"Nak penge nang pera"

sabi ko "Nay, wala pa nga eh bukas pa po ako babayaran ni Ate Vimalym pag naikabit ko na tong internet at telepono nyo"

"bibili lang sana akong rambutan nagugutom ako"

sagot ko "bukas nay bibilihan kita ng French Fries sa Jollibee pagkabayad na pagkabayad sakin ni Ate Aying"

Maya maya natapos ko na ikabit yung wires.. Umupo ako sa tabi nya and I watched TV.. Bigla syang tumingin sakin tapos niyakap nya ko..
sabi nya "Anak, napapagod na ko, gusto ko nang magpahinga"

sagot ko, "Nay, wag naman kayo magsalita ng ganyan.. kala ko ba hihintayin mo ko maka-graduate tapos ikaw magsasabit ng medal sakin sa stage pagkagraduate ko tapos nagsasalita ka ng ganyan"

sabi nya, "Sorry anak.. patawarin mo ko sa mga nagawa kong pagmamalupit sa inyo noon, sorry kasi hindi ko na matutupad yung sinabi ko sayo na yon"

"Nay, alam ko namang napapagod ka na at nahihirapan sa kalagayan mo eh (Diabetic 79yrs old putol left foot) pero Nay wag naman ganito.. angsakit eh.."

"sorry apo"

Niyakap ko sya tas sinabi ko "Sige Nay kung nahihirapan ka na talaga sige po... magpahinga ka na.. tandaan mo lagi mahal na mahal kita"

Then umuwi na ko samin dinasal ko that nigh sana wag na nga mahirapan si lola pero wag naman biglaan..
Nagising ako nang maaga 8AM i went to Handyman to buy a Cordless Telephone na gagamitin ko para ikabit ko na telephone line nila... pagdating ko sa bahay nila,

"Ate Vimalyn akin na ikakabit ko na yung telepono nyo.. eto na oh! dali may bibilihin pa ko (YUNG FRENCH FRIES)"

sagot sakin, "Mamaya mo na ikabit andami pang tao sa taas eh! di ka pa ba galing dun? di ka pa ba umaakyat dun?"

sagot ko, "Hindi pa bakit anu ba meron dun? Nagpa-house blessing na ba sila?"

sabi nya, "Hindi mo pa ba alam? patay na si Lola mo!"

umakyat ako sa taas nagmamadali ako when I saw her on her bed nakahiga na sya ng diretso and she was smiling.. I cried.. "Nay bakit di mo ko hinintay? Nandito na yung pambili ko ng French Fries mo oh! andaya mo naman eh! nang iiwan ka eh! may sasabihin pa nga ako sayo eh! (na-HIV POSITIVE AKO)"

------>on her Internment day ako nagburn ng song para sa gagamitin sa Caro.. while I was picking up songs to burn naiyak ako when I've heard "Ugoy ng Duyan" #1 sa list ng song