Pagkalibing ng lola ko umalis ako ng bahay to go to mall.. Mag aliw aliw..
Nagkita kita kami ng mga POZ FRIENDS ko sa Greenbelt 3..
Enjoy yes medyo nakalimutan ko mga pangyayari at medyo sumaya ako..
When I came home kala ko okay na lahat..
Nagulat ako when I saw my mom waiting for me and hawak nya yung brown envelope na medyo familliar sakin (Doon nakalagay yung mga documents na HIV POSITIVE AKO)
sabi nya "Nak may gusto ka bang sabihin sakin?"
sagot ko "About san ma?"
inilabas nya yung laman nung envelope... "Ano to nak? bakit di ka nagsasabi sakin?"
sagot ko "Ma sorry! Sorry kung inilihim ko sa inyo lahat yan.. Ma di ko naman balak itago to habang buhay eh! naghahanap lang ako ng tyempo.. namatay si papa nung May 3, naospital si ate sa panganganak anlaki ng gastusin, namatay si lola August 31 tapos magsasabi ako sayo ng ganyan? Ma, alam kong patung-patong problema mo ayoko nang dagdagan.. ayoko maging pabigat sayo.."
sagot nya, "Pero bakit ganun nak? hindi biro ang lagay mo ngayon.. Ano bang kasalanan ko sa Diyos at pinaparusahan nya ko ng ganito.. Nawala na tatay mo nawala pa si Nanay isusunod ka pa? hindi ko kakayanin kapag pati ikaw nawala pa"
"Ma yun na nga eh kaya ayokong sabihin! kasi baka sabihin mo pinaparusahan ka ng Diyos, Ma hindi ko naman ginustong magkaron ako nito eh.. Hindi ko masabi sainyo kasi nahihiya ako at natatakot na wala akong naitulong sa Family natin naging ganito pa ko.. Natatakot akong mawala ako na walang nai-contribute man lang sa family natin... pero Ma! sinu ba nagsabi sayong mawawala ako? Kaya nga lumalaban ako diba? Lumalaban ako kahit nahihirapan ako sa sitwasyon kong itinatago ko to sa inyo"
sagot ni mama, "Lika nga dito nak, payakap nga.... LALABAN TAYO HA? SAMA SAMA TAYONG LALABAN... WAG KANG SUSUKO NAK AH? KASI AKO DI DIN AKO SUSUKO.. KASAMA MO KONG LALABAN.. LALABAN TAYO BASTA KUMAPIT KA LANG.. BASTA KAHIT ANUNG NARARAMDAMAN MO AT KAILANGAN MO SABIHIN MO LANG SAKIN GAGAWAAN NATIN NG PARAAN..
Umiyak ako YET sobrang natuwa kasi pinalakas nya ang loob ko sobra.. iba ang pakiramdam pag natanggap ka na sa pamilya nyo kung ano ang sitwasyon mo..
That is so heartwarming. Naiyak ako ng sobra. Recently lang ako na diagnose at hindi ko pa na disclose sa family ko.
ReplyDeleteSana pagdating ng araw, matanggap din ako ng mom ko ng katulad sa yo.
You are so lucky to have a wonderful mom. I am so happy for you.
Naiyak rin ako dito...
ReplyDelete